top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Bagong pasok sa mundo ng senior citizens arestado sa PHP850K drug buy bust

Photo from plnmedia.com

9/18/24, 6:51 AM

BACOLOD CITY - Isang lalaking bagong dating sa mundo ng pagka-senior citizen ang dinampot ng mga pulis sa Bacolod City, matapos na makumpiska sa kanya ang 125 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PHP850,000.

Sa isang police buy-bust operation na ikinasa noon Lunes Setyembre) , hinuli ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang suspek matapos na mahuli sa akto ng pagtitinda ng shabu sa isang pulis na umaktong poseur buyer.

Katatapos lang umano makakakuha ng senior citizen’s card ang suspek, 60 anyos, nang siya ay mahuli.

Hindi pa pinangalanan ng CDEU ang umanoy drug pusher na nahuli sa PUrok, Masinulundon, Barangay 23.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Antonio Benitez Jr., hepe ng CDEU, ilang linggo na rin nilang minanmanan ang suspek.

Nakakuha ng matibay na impormasyon ang mga pulis tungkol sa drug operations ng suspek.

“The complaint against the suspect’s engagement in illegal rugs had reached the regional headquarters,” ayon kay Benitez.

Matapos na makumpirma ang illegal drug operation ng suspek, siya ay agad inilista ng pulisya bilang isang “high value” target na dapat agad maaresto.

Naniniwala si Benitez na ang drogang nasamsam mula sa suspek ay inahahanda nito para sa darating na selebrasyon ng MassKara Festival sa darating na Oktubre.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page