LAW AND ORDER
Atong Ang parang si 'Palos', lumusot sa PNP dragnet?
.jpg)
Photo attachment: images.jpeg
File photo ng self-professed na gambling tycoon Charlie 'Atong' Ang mula sa Cebu Daily News.
4/11/26, 10:30 AM
Ni Tracy Cabrera
MAYNILA, Pilipinas — Katulad ng maalamat na escape artist na tinurang si 'Palos', natakasan ng business tycoon na si Charlie 'Atong' Ang ang mga awtoridad na tangkang dakpin siya, ayon kay interior and local government secretary Juanito Victor 'Jonvic' Remulla Jr.
Nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya kasunod ng mga ulat na namataan ang nagtatagong businessman sa isang undisclosed location sa bansa.
Sa television interview, hinayag ni Remulla sa media na nakatanggap sila ng sinasabi niyang “credible eyewitness sighting” ni Ang nitong April nakaraang Huwebes, Abril 9, subalit nakarating ang mga awtoridad sa tinukoy na lokasyon nang huli ng isang araw upang maaresto ang kanilang target.
“Hindi namin naabutan, pero may actual report na nakita siya rito,” pinunto ng dating gobernador ng Cavite bilang indikasyong nakalusot pa rin si Ang at may hinalang may nag-tip dito sa operasyon ng pulis.
Gayun man, batay sa kaganap ang ito, naniniwala umano ang kalihim na naririto pa sa Pilipinas si Ang, salungat sa mga ulat na lumabas na ito ng bansa at posibleng nagtatago sa Vietnam o Cambodia.
Sa hiwalay namang interview, hinayag ni Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval na wala silang record na umalis na ng bansa si Ang.
Simula nang maglabas ang korte ng mga warrant of arrest laban sa kanya noong Enero at Pebrero, nagtago na si Ang at hanggang ngayo'y hindi pa nadarakip kaya nag-alok na ang pamahalaan ng pabuyang ₱20-million para sa kanyang pagkakaaresto.
Nahaharap ang kontrobersyal na negosyante sa mabibigat na kaso, kabilang na ang kidnapping with homicide at illegal detention, kaugnay ng pagkakawala ng tinaguriang mga 'missing sabungero', na hindi pa natatagpuan simula noong 2021.
