top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

ABP Partylist nominee patay sa pamamaril sa Maynila

4/29/25, 7:05 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Patay ang partylist nominee ng Ang Bumbero Partylist (ABP) matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga lalaki noong Lunes (Abril 28) sa Maynila.

Dead on arrival sa ospital si Leninsky Bacud na second nominee ng ABP para sa May 12 midterm elections.

Naniniwala ang mga imbestigador na isa sa mga killers ang nagtamo ng sugat matapos na barilin ito ni Patrolman Rei Jetru Realiza, isang Quezon City police officer na nagkataong nasa lugar ng krimen sa covered gym ng Barangay 435, Sampaloc.

Pinaputukan din ng isa sa riding-in-tandem gunmen si Realiza at ito ay tinamaan umano sa paa.

Ayon kay P/Major Philippe Ines, spokesperson ng Manila Police Department, nakipagputukan ng putok si Realiza.

“Nagkaroon agad tayo ng dragnet at pina-check agad nating yung mga ospital kung meron mga dinala doon na may gunshot would,” ayon kay Ines.

Hindi pa natukoy ng mga imbestigador ang motibo sa pagpatay kay Bacud.

Ang ABP ay sinusuportahan umano ng mga Ejercito na kamag-anakan ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang first nominee ng grupo ay si Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia. Kasama rin sa mga nominado ng partylist ay Cattleya Cher Goitia at Jose Mari Alfonso Goitia.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page