LAW AND ORDER
18-anyos transgender principal suspect sa Canada mass shooting; 9 patay, 25 sugatan

Photo from freedomforallamericans.org
2/12/26, 9:20 AM
Isang 18-anyos na transgender na may kasaysayan ng problema sa pag-iisip ang kinilalang salarin sa massacre ng siyam katao sa isa sa pinakamalalang mass shooting na kasaysayan ng Canada.
Natagpuang patay nitong Miyerkules (Pebrero 10) malapit sa Tumbler
Ridge Secondar School, kung saan siya walang habas nanamaril . Nakumpiska ng pulisya ang isang long firearm at isang handgun na ginamit niya sa krimen.
Kinilala ang salarin na si Jesse Van Rootselaar na nakatira malapit sa paaralan ng Tumbler Ridge na isang komunidad sa itaas ng kabundukan sa British Columbia.
Kinitil ni Rootselaar ang sariling buhay matapos magwala at pagbabarilin ang mga estudyante at guro sa nasabing eskuwelahan.
Bago niya lusubin ang Tumbler Ridge, pinagbabaril muna ni Rootselaar ang kaniyang 39-anyos na ina at step-brother na11 anyos malapit sa kanilang bahay.
May 25 katao, karamihan mga estudyante, ang nagtamo ng mga sugat o nasaktan dahil sa stampede.
Namatay ang isang 39-anyos na titser at limang estudyante na may edad 12 hanggang 13 anyos.
Isa pang biktima ang nasa kritikal na kondisyon dahil sa tama ng bala sa kanyang leeg.
Kilala si Rootselaar na may sakit sa pag-iisip at makailan na rin siyang dinalaw ng mga pulis dahil sa iba’t ibang kaguluhan.
Ayon sa awtoridad ipinanganak na lalaki si Van Rootselaar ngunit kumikilos ito at nagpapakilalang isang babae.
Hindi pa mabatid ang motibo sa pag-atake ng teenager sa paaralan kung saan siya dati nag-aral, pahayag ni Royal Canadian Mounted Police Deputy Commissioner Dwayne McDonald.
Ang Tumbler Ridge na may 2,700 populasyon ay nasa kabundukan at malapit sa Alberta.
Rumesponde ang mga pulis at dumating sa paaralan dalawang minuto matapos na makatanggap ng saklolo. Sinalubong umano sila ng mga putok nang makita sila ng salarin.
“Parents, grandparents, sisters, brothers in Tumbler Ridge will wake up without someone they love. The nation mourns with you, and Canada stands by you” emosyonal na pahayag ni Canadian Prime Minister Mark Carney sa Parlaimentarya ng bansa
