SPORTS
Pacquiao Jr. nasa undercard ng grudge match ng ama vs. Mayweather

3/16/26, 4:45 AM
Ni Tracy Cabrera
LOS ANGELES, California — Plano sa pinakahihintay na rematch sa pagitan nina Floyd 'Money' Mayweather Jr. at Emmanuel 'Manny' Pacquiao na ilahok sa undercard ang tinaguriang mga ‘next talent’ ng boxing at kabilang dito ang anak ni Pac-Man na si Emmanuel 'Jimuel' Pacquiao Jr.
Mapapalaban ang anak ng People's Champ kasama ang isa pang rising talent na sariling protégé ni Mayweather na si Curmel Moton, na mapapasabak sa unang pagkakaton sa loob ng halos siyam na buwang pagbabalik makaraan manalo kontra Renny Viamonte Mastrapa noong Mayo ng lumipas na taon.
Unang nagsagupa sina Mayweather at Pacquiao noong 2015 sa labzng binansagang 'Battle for Greatness' at ang pinakamalaking boxing event sa 21st century na kumita ng unprecedented revenue at umani ng kakaibang public interest.
Makalipas an 11 taon ngayon, ang dalawang legend ay mahaharap muli sa kabila na sila'y nagretiro na at sinasabing nasa lipas ng kanilang dating lakas at galing.
Inaasahan ng mga boxing promoters at aficionado na muling magiging biggest event ngayong taon ang sagupaan na ila-livestream sa Netflix sa Setyembre 19 mula sa The Sphere sa Las Vegas.
Ayon kay Canadian entrepreneur Jaspreet 'Jas' Mathur, na isa sa personalidad na nakatulong sa pagtatanghal ng rematch, naniniwala siyang aakit ito ng 'the best of boxing's next generation of talent' sa pamosong 18,600-capacity venue.
Sa panayam, hinayag ng 20-ayos na si Moton, na kamakailan ay nagwagi ng sensational brutal knockout win sa loob ng isang minuto: "The plan for the undercard is to make it meaningful and forward-looking."
Sinang-ayunan ito ni Mathur: “On September 19, with a global platform of this scale, we intend to build the next generation of stars while honoring the legends who paved the way.
This isn’t just about one historic main event, it’s about showcasing the future of boxing. We want generational storytelling on the card, blending established names, emerging contenders and rising young stars who represent the next era of the sport.
“We have fighters like Manny Pacquiao Jr. (Jimuel) from Manny Pacquiao Promotions and Curmel Moton from Mayweather Promotions who embody that legacy-meets-future dynamic."
Add paragraph text. Click “Edit Text” to update the font, size and more. To change and reuse text themes, go to Site Styles.
