SPORTS
Indian Wells run ni Eala winakasan ng Czech star na dati niya tinalo

Photo from www.rebanse.ph
3/11/26, 10:00 AM
Nagwakas nitong Miyerkules (Marso 11) ang kampanya ni Filipino tennis star Alex Eala sa BNP Paribas Open sa Indian Wells, California matapos na manaig si Linda Noskova ng Czech Republic sa score na 6-2, 6-0.
Aabante sa quarterfinals ang matibay na si Noskova na ayon sa mga eksperto ay may malaking pag-asa makarating sa finals.
Nagkaharap si Noskova at Eala sa round of 16 matapos na magapi ng Filipina ang unang dalawang nakalaban na sina Dayana Yastremska, 7-5, 4-6, 7-5.
Ang 31st seed na si Eala ay muling nanalo laban sa American champion na si Coco Gauff matapos mag-retire ang huli dahil sa injury sa braso.
Tila walang sagot si Eala sa malalakas na hataw ni Noskova, na nagtala ng ika-11 talo sa Pinay mula sa kamay ng mga Czechs.
Maraming naitalang ace serves si Noskova na nagulat din sa husay at tibay ni Eala.
Umamin si Eala na nahirapan siyang makuha ang kanyang tiyempo matapos ang mabilisang laban sa Czech.
“I think she played superwell. I don’t think I was able to find my groove and nothing clicked for me in today’s match,” ayon sa iniidolong Filipina.
Dati nang natalo ni Eala si Noskova noong 2018 nang magharap sila bilang mga junior tennis players.
Add paragraph text. Click “Edit Text” to update the font, size and more. To change and reuse text themes, go to Site Styles.
