top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SPORTS

Alex Eala kasama sa main draw ng unang torneo ng clay season sa Austria

Matapos ang Indian Wells Open, nag-share si Alex Eala ng kanyang trip sa Santa Monica, California. (Larawan mula kay Alex Eala/Instagram)

3/17/26, 11:28 AM

Ni Tracy Cabrera

SANTA MONICA, California — Nagbibigay si Alexandra 'Alex' Eala ng pag-asa sa mga Pilipinong sadlak ngayon sa krisis sa pinapakitang tibay ng loob ng lokal na tennis ace—ngayon ranked number 29 sa mundo as of March 16, 2026—at lalo na ngayong magdi-debut siya sa Upper Austria Ladies Linz Open sa Europa upang simulan ang kanyang clay season susunod sa grand return sa Miami Open ngayong linggo.

Scheduled mula Abril 6 hanggang 12 sa Linz, Austria, napabilang si Eala sa inanunsyo na player list ng torneo sa kartadang main draw kasama ang Top 20 players na sina Ekaterina Alexandrova ng Russia (No. 11), Clara Tauson ng Denmark (No. 17) at Liudmila Samsonova ng Russia rin (No. 19).

Arguably, No. 32 si Eala sa world rankings, subalit inaasahan tataas pa ito sa bagong career-best na No. 28 batay sa live rankings, salamat sa Last 16 finish niya sa Women’s Tennis Association (WTA) 1000 Indian Wells Open nitong nakaraang linggo.

Tagged bilang 500-level tour, ang Linz Open ay pangakawang WTA 500 tourney ni Eala makaraan ang quarterfinal finish sa Abu Dhabi, na kung saan Natali siya kay Alexandria, 6-3, 6-3. Gayun man, bago ang torneo sa Austria, kailangan pa niyang magpursigi sa hardcourt season sa muling kampanya sa 1000-level tour sa Miami.

Napapabilang sa 32 seeds sa Florida para sa first-round bye tulad sa Indian Wells, na kung saan nakaipon siya ng 120 karagdagang puntos, kailangan ni Eala na protektahan ang kanyang 390 ranking points upang manatiling sa Top 30. Kung hindi, malalaho ang kanyang puntos sa expiration nito at dadausdos siya sa Top 59 at 60 gata ng pagsimula niya sa season.

Kaya sa kasalukuyan niya 1,542 puntos, may posibilidad na bumaba ito sa 1,142 puntos kung hindi siya makapasok sa Final Four finish o mas mataas pa.

Add paragraph text. Click “Edit Text” to update the font, size and more. To change and reuse text themes, go to Site Styles.

bottom of page