top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Valenzuela City nagdiwang ng “Pasko” para sa 72,218 senior citizens

Photo from manilastandard.net

7/12/25, 6:38 AM

Ni Raselle Joyce Flores

Hulyo pa lamang ngunit pinatikim na ng saya ang pasko ang 72,218 na senior citizens sa Valenzuela City sa pamamagitan ng “Pasko sa Hulyo para kay Lolo at Lola” na isinagawa ng pamahalaang lungsod noong Huwebes. (Hulyo 10).

Sa pangunguna ni mayor Wes Gatchalian, mabibigyan ng tig-10 kilong bigas ang mga nakatatanda sa Valenzuela City.

Ang mga lolo at lola ay makatatanggap ng “pamaskong bigas” sa citiwide distribution na nagaganap mula Hulyoi 10 hanggang 19 sa mga barangay.

Ayon kay Gatchalian naglaan ng PhP35.6 milyon pondo ang pamahalaang lungsod upang matugunan ang mga pangangailanganng mga senior citizens.

Ang programa, paliwanag ng alkalde, ay parte ng pagnanais ng siyudad na isulong ang dignidad at pangangalaga ng mga elderly citizens.

Sang-ayon sa program, magpapamigay ng rice vouchers ang mga tauhan ng pamahalaang siyudad at barangay. Sasabihan na rin nila ang mga benepisaryo kung kelan maaring kunin ang bigas.

Ang proyekto ay nasa ilalim ng superbisyon ng Office of the Senior Citizens Affairs ng Valenzuela City.

Papayagan din na mga kinatawan na lamang ng mga senior citizens ang kukuha ng bigas kung sila ay magdadala ng awtorisasyon na nilagdaan ng recipient at ng identification cards.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page