top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Social media scammmers na nambibiktima ng kaparian, diosesis lumalaganap

12/2/24, 5:16 AM

Ni Samantha Faith Flores

Patuloy na lumalala ang problema sa scammers na nambibiktima sa social media sa pamamagitan ng pag-peke ng Facebook at iba pang mga social media accounts ng mga diyosesis at kaparian.

Sa kanyang misa sa Christ the King Church sa Quezon City, nagbabala si Fr. Gerry Orbos sa mga mananampalataya na huwag maniniwala sa mga Facebook accounts o sinuman mga nasa social media na nanghihingi ng donasyon gamit ang kanyang pangalan.

Ayon kay Orbos hinding-hindi niya ginagawang makiusap ng donasyon, lalo pa at hindi siya mismong personal ang nangangalap para sa mga programang charity.

Mayroon umanong mga FB at iba pang social media accounts na gamit ang kanyang pangalan o pag-endorso.

Idiniin ni Orbos na hindi siya nag-eendorso ng anumang produkto o paghingi ng donasyon.

Samantala, nag-warning din si Bishop Ruperto Santos ng Antipolo City na huwag tangkilikin ng publiko ang bogus na FB account na ginagamit ang kanyang pangalan.

Sa kanyang official FB account, sinabi ni Santos na ang “counterfeit” account ay nagtataglay ng kanyang profile picture. Ito ay ginawa ng tao o mga taong “with self-serving interests.”

“That account was made without my knowledge and consent”, diin ng lider Simbahan.

Noong kasagsagan ng sunod-sunod na bagyo kamakailan lamang, nag-isyu rin ng babala sina Archbishop Rex Andrew Alarcon ng Caceres at Bishop Loui Occiano ng Virac.

Ang mga nagtayo ng fake Facebook at iba pang social media accounts ng mga nasabing diyosesis ay ilegal na nangangalap ng mga abuloy para sa mga nasalanta ng bagyo.

Ang Apostolic Vicariate ng Taytay sa Palawan ay nag-warning din na may Facebook account ng nagkukuwaring si Bishop Broderick Pabillo.

Pinayuhan ng vicariate ang publiko na huwag tanggapin ang mga friend requests na galing sa manglolokong FB account upang hindi sila ma-scam.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page