top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

SeniorTimes.ph: Ipinakakalat na pagpasa ng Universal Pension para sa seniors, ‘malaking kalokohan’

Photo from www.altnews.in

6/9/25, 8:27 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Tinatakam at nililito lamang ng ilang YouTube channels, mga Facebook TikTok uploaders at bloggers ang mga nakatatandang Pilipino sa pagsasabing ipapatupad na ng pamahalaan ang Universal Pension Program.

Malaking kalokohan ang mga ikinakalat ng maraming indibidwal o samahan na magpapamudmod ng buwanang social pension ang pamahalaan para sa lahat ng senior citizens sapagkat hindi pa ito naisasabatas.

Marami sa mga YouTube at social media posts ang naglalayong mag-click bait o makapanloko lamang upang makakuha ng sapat na views na pagkakakitaan ng mga ito.

Sa Fact Check section ng Rappler, idiniin nito na hindi totoo na may PhP11,000 pensyon para sa lahat ng seniors.

Lagpas na sa 12 milyon ang mga senior citizens sa bansa. Halos apat na milyon sa kanila na klasipikadong hikahos o indigent ang tumatanggap na ng buwanang pension na PhP1,000 mula sa pamahalaan.

Ayon sa Rappler, sa YouTube channel “Ph Pension Update”, naka-upload dito ang video na pinamagatang “Breaking: P11,000 universal pension para sa seniors/ schedule at buong detalye -alamin dito!”

Kung babasahin ang titulo, pinalalabas na mayroon na ngang PhP11,000 universal pension para sa nakatatandang mga Filipino.

Ngunit ang katotohanan ay nakabinbin pa rin sa Senado ang panukalang batas na ito kaya nangangahulugang hindi pa ito ganap na batas na dapat ipatutupad ng pamahalaan.

Ang panukalang Universal Social Pension na nakapaloob sa House bill 10423 ay ipinasa ng Kamara de Representantenoong Mayo 21, 2024.

Ngunit matapos na i-akyat ang panukala para sa aksyon ng Senado, hindi na kumilos ang huli upang aprubahan ito.
Patuloy na hawak ng komite ni Sen. Imee Marcos ang panukala at hindi ito tumawag ng hearing upang magdesisyon ang mga senador na magpasa ng katulad na bersyon ang Senado.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page