top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Publiko pinag-iingat sa pekeng e-Travel fees

Photo from policybazaar.ae

2/15/24, 6:50 AM

Ni MJ Blancaflor

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na wag papaloko sa naglipanang fake websites na nangongolekta ng registration fees para sa e-Travel system.

Nakatanggap daw ng ulat ng BI na may mga Pilipinong nagkaproblema sa airport dahil sa pag-aakalang nakapag-register na sila sa system ng pamahalaan.

Ayon sa BI, nagbayad pa raw ang mga ito ng aabot sa P5,000 para makapagparehistro kahit na libre lang naman ang pagre-register sa totoong e-Travel system.

"We, therefore, advise the traveling public to register only in the government's official website at https://etravel.gov.ph," ani Immigration Commissioner Norman sa isang pahayag noong Miyerkules, Pebrero 14.

Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na isuplong sa mga awtoridad ang sinumang maniningil para sa e-Travel registration.

Inilunsad noong nakaraang taon ang e-Travel system na nagsisilbing database ng mga lumilipad papunta at palabas ng bansa.

Kinakailangan ang ganitong system para mapadali sa mga awtoridad ang border control, health surveillance, at pag-monitor ng dami ng turistang pumapasok sa bansa.

Dahil maa-access ito online, hindi na kinakailangang magdala ang mga pasahero sa airport ng printed na kopya ng kanilang quarantine form at arrival at departure cards.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page