top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

PRC nagbabala sa pekeng job hiring post sa social media

Photo from news.abs-cbn.com

10/30/24, 5:08 AM

Bogus ang ipinakakalat na social media post na agarang pangangalap ng empleyado ng Professional Regulation Commission.

Ayon sa PRC hindi sa ahensiya nito galing ang post na may urgent hiring ng mga empleyado.

Sa post ng page na “News to Government PH. Updates, sa Facebook group na “PRC Board”, inilathala noong Oktubre 20 ang headline na “GOOD DAY PRC IS URGENT HIRING 2024.”

Ayon sa post, mga college graduates ang tatanggapin at hindi na nila kailangan ng work experience para mag-apply.

Binilinan din ng post ang mga jobseekers sa link kung saan sila maaaring mag-apply -www.prcboards.com.

Nang pindutin ang link, napunta lamang ang mga naghahanap ng trabaho sa PRC BOARD NEWS and UPDATE na hindi naman talaga gawa ng tunay na PRC.

Sa nasabing post, niloko ng mga nagpakalat nito ang mga nais magkatrabaho dahil hindi naman kailangan talaga ng PRC ng dagdag na trabahador sa ngayon.

Pinag-iingat ng PRC ang publiko at binilinan na huwag magpapaloko sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga personal na impormasyon at contact numbers.

Para sa mga mapanuri, halata naman agad na bogus ang mga post sapagkat English carabao o mali-maling pag-Ingles ang ginamit ng mga gumagawa ng FB page na nabanggit.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page