top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Nasakote Nigerian na nasa likod ng US cyber fraud

10/28/24, 9:54 AM

Isang lalaking Nigerian na wanted dahil sa cyber fraud sa Amerika ang naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration sa Quezon City.



Nahuli ng BI fugitive search unit (FSC) si Ahmed Kamilu Alex, 35, sa bandang Panay Avenue, Barangay Paligsahan noong Oktubre 11.



Sa report na inilabas nitong Lunes (Oktuber 28), sinabi ni BI na si Alex ay matagal nang pinaghahanap ng US police authorities upang isilbi ang warrant of arrest dahil sa kasong cyber fraud scheme.



Ang raket ni Alex ay ang paggawa ng mga pekeng websites na kahalintulad sa lehitimong US government agencies noong kasagsagan ng COVID-19 epidemic.



Kasama ang dalawa pang kababayan mula sa Nigeria, nagagawang makuhanan ng mga ito ang mga biktima ng halagang mula US$500 hanggang US$48,500 bilang kapalit ng umanoy pag-proses ng kanilang emergency leave.



Marami umano ang naloko sapagkat hawig na hawig ng mga bogus na website ang mga orihinal na website ng mga US agencies.



Hiniling na ng US government na ma-deport si Alex upang humarap sa sakdal dahil sa kanyang mga krimen.



Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page