

TRUTH VERIFIER
Mga jobless na dating POGO personnel, nagtayo nang kani-kanilang online scam operations

Photo from news.tv5.com.ph
6/27/25, 6:23 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Nagpapalakad na ng sarili nilang scam operations ang mga dating tauhan ng mga Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) na ipinasara na ng pamahalaan.
Ayon kay Police Brig.Gen. Bernard Yang, direktor ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), lumalabas sa kanilang imbestigasyon na halos lahat na ng mga online scams ay pinatatakbo ng mga dating POGO workers na natutong mag-operate ng mga illegal na iskema sa internet.
Ngunit ang ganitong pangyayari ay hindi dapat ika-alarma ng publiko dahil bumaba na umano ang mga kaso ng online scams sa bansa.
“It’s not alarming. If you look at our data compared to 2022, 2023, 2024 tonow, the cases of online scams are declining,” sinabi ni Yang sa Bagong Pilipinas public briefing.
“Their style and their approach are rather the same, but they alreadydo have a format on how they do this kind of online scam. The bottomline here is for them to get money,” dagdag ng opisyal.
Ayon kay Yang may 5,000 katao na ang naaresto ng pulisya na konektado sa mga online scams na isinasagawa sa bansa.
“For this 2025 from January to June, mid-June, we have already arrested 5,0999 for various offenses online. We can call these cybercrime cases,”
