top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Mga balita ukol sa ticket sales ng MMFF entries puro fake news - MMDA

Photo from bworldonline.com

12/27/23, 4:00 AM



Mariing pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development
Authority ang ipinakakalat na umano’y ticket sales report ng ilang pelikulang kasali sa 49th Meto Manila Film Festival.

Fake news ang mga balitang ito at hindi nanggaling sa MMDA, ayon sa opisyal na mensahe ng ahensyang namamahala ng taunang MMFF.

“Fake news naman ang mga ulat na kumakalat sa Internet na nagpapakita ng mga kinita ng bawat pelikula,” paliwanag ng MMDA.

Idiniin ng MMDA na hindi nito magagawa ang pagkakalat ng impormasyon ukol sa laki ng bentahan ng tiket ng mga pelikula sapagkat ayaw ng ahensya na maimpluwensyahan ang desisyon ng publiko sa pagpili ng pelikulang panonoorin.

Hindi rin daw magagawa ng ahensya na bigyan ng ranggo ang bawat isang pelikula base sa dami ng mga naibentang tiket ng bawat isa.

“Ang MMFF ay walang inilalabas na anumang uri ng ranking o kinita ng bawat pelikula para maiwasan na maapektuhan o maimpluwensyahan ang desisyon ng manonood,” paliwanag ng MMDA.

Dagdag pa nito: “Nais ng pamunuan ng MMFF na makapagbigay ng pantay na exposure, spotlight at suporta sa bawat pelikula.

Bagamat naglipana ang fake news, nagpasalamat naman si MMDA Chairman Don Artes sa patuloy na pagtangkilik ng publiko sa mga pelikulang lokal, higit sa mga kasali sa MMFF.

“Bukod sa mahahabang pila sa mga sinehan simula pa noong Disyembre 25, mas malaki ang kinita sa unang araw ng film festival ngayong taon kumpara sa bentahan ng tiket sa unang araw noon 2022,” ayon kay Artes.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page