top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Matapos maghain ng cyberlibel case si Kiko, tumiklop muna mga baboy na vloggers

3/13/24, 12:00 PM

Unti-unti nang nawawala sa YouTube ang mga fake news na naglalaman ng kung ano-anong pambabastos kay dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan at kanyang pamilya matapos na magsampa si Kiko ng cyberlibel case laban sa isang “Bungangera TV.”

Subalit nang eksaminin ang Youtube, mayroon pa rin natitirang mga mga vlogger na namamayagpag sa pagsasabi ng mga pawang kabulastugan laban kay Kiko.

Isa dito ang Katarungan of Toppick TV.

Katulad ng Bungangera TV, inakusahan ng kalaswaan si Kiko umanong naging dahilan ng paghihiwalay nila ng asawang si Sharon Cuneta.

Idinamay ng mga vloggers ang anak ni Sharon na si KC sa malinaw na fake news.

Tila naglilimas na ng kitang salapi ang mga nasa likod ng Katarungan at Toppick sapagkat punong-puno ng anunsyo o advertising ang mga post nito.

Hindi pa malaman kung bakit hindi isinama ni Kiko ang Katarungan o Toppick sa kaso. Hindi pa rin naipalliwanag kung bakit hindi nito sinampahan ng kaso ang Youtube.

Nag-react na rin si Sharon Cuneta, asawa ni Kiko, sa mga “kababuyan” pinagsasabi ng mga video bloggers.

“Because it was too much. I think it’s about time,” Sharon said in declaring full support to Kiko’s decision to pursue criminal charges against the family’s detractors.

“Kasi there are things na when we choose our battles, there are things na, you know they will just die out in the end, hayaan mo na lang, ‘wag mo na patulan. But there are things na, eka muna, Kahit naman may mga 100 may maniniwala dito, you know, people that might think that what’s posted is true,” she explained.

Sa reklamong isinampa sa Office of Cybercrime ng Department of Justice, inakusahan ni Pangilinan ang may-ari ng YouTube channel Bungangera TV ng pag-post ng mga libelous na video sa video platform nito.

“The videos authored and posted by Bungangera TV created in the minds of viewers that I am a husband who physically abuses his wife and children,” the former senator said.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page