

TRUTH VERIFIER
Fake news na buntis si Karylle, panunuya o panloloko lang talaga?

2/8/25, 9:38 AM
Nanunuya ba o talagang manloloko lamang ang mga nagpapakalat ng “fake news” na buntis na ang si Karylle, ang artista at TV host na anak ni Zsa Zsa Padilla.
Sa pinakahuling episode ng kanyang podcast na “K’sDrama” sinabi ni Karyll na maraming beses na rin siyang binati ng mga nakakasalubong sa kalye upang batiin dahil sa kanyang pagkakabuntis.
“I have to explain, of course, that I'm not pregnan. This is the third time that this news has circulated, so I knew categorically denial would be useless because you want to believe what you want to believe,” ayon sa kanya.
Hindi naniniwala si Karylle na may kinalaman ang antas ng pag-aaral ng mga tao sa pagtitiwala sa mga laman ng mga fake news na gawa-gawa lamang ng mga natutuwa sa kanilang panloloko.
“I think it’s not about education level, a lot of people have been fooled by this news. So I’m here to tell you once again that the news is fake. I hate fake news,” diin ng aktres.
Ipinaliwanag niya na bagamat hindi niya kinokonsidera na bad news o paninirang puri ang ibinalita, hindi pa rin tama na magimbento at magpakalat ng maling balita.
May sampung taon na rin kasal si Karylle kay Sone Cola lead Yael Yuson at nais na rin nila magka-anak.
“We are ready when the good Lord says it’s time. The time will come. Everything in God's perfect time,” ayon sa kanya.
