top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Fake news ang social media posts tungkol sa HIV-infected needles -DOH

Photo from Storyblocks Video

1/11/25, 7:25 AM

Ni Samantha Faith Flores

Fake news na gawa-gawa ng mga manloloko at ipinakalat ng mga naloko ang social media post na nagsasabing ang mga karayom na ginamit sa house-to-house blood tests ay kontaminado ng human immunodeficiency virus (HIV).

Ito ang ini-report ng Department of Health nang mapansin na nagiging viral ang nasabing social media posting na nagtataglay ng pekeng impormasyon.

“The Philippine National POlice has also debunked this message, confirming that it is a scare tactic with no factual basis,” ayon sa abiso ng DOH.

Nag-share ang DOH ng litrato ng nasabing fake news na nagsasabing may mga indibidwal na nagbahay-bahay at nagpapakilala na sila ay kasapi ng “Faculty of Medicine”. Pakay umano nila na ipasuri ang dugo para sa sugar level.

Ayon din sa fake news ang mga ginagamit na karayom para makakuha ng sample ng dugo ay kontaminado ng HIV na nagiging sanhi ng nakamamatay na acquired immunodeficiency syndrome o (AIDS).

Ito ang nakasulat sa ulo ng nasabing social media post: “URGENT NOTICE FROM INTELLIGENCE UNDER THE OFFICE OF THE PRESIDENT ASAP INFORMATION.”

Bagamat bistadong bogus ang impormasyon nagtataka ang mga awtoriidad kung bakit pinapatulan ito ng mga netizens.

Kadalasan isini-share ng mga netizen ang post atsaka magsasabi ng “paki-check kung totoo?”. Inaakala marahil ng nagre-post na lusot siya sa reklamo sakaling nakapaminsala ang kanyang ikinakalat.

Pinakiusapan ng DOH ang publiko na sana ay maging mapanuri sa pagtanggap at pagpapakalat ng mga social media posts na naipadadala o nakakalap lamang nila sa social media.

'Further, the public is enjoined to source information only from legitimate sources and platforms such as the health department,” diin ng kagawara

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page