

TRUTH VERIFIER
Duterte Youth Partylist sinampahan ng disqualification sa Comelec dahil sa red-tagging

5/8/25, 9:58 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Ipinadi-diskwalipika ng mga lider estudayante ng University of the Philippines at Polytechnic University of the Philippines ang Duterte Youth Partylist dahil sa red-tagging na patuloy na isinasagawa ng mga nominado ng grupong ito.
Kasama ang Youth Alliance for Climate Action Philippines sa mga humiling sa Commission on Elections na tanggalin sa partylist elections ang grupong pinangungunahan ni Ronald Cardema, partylist chairpeson ng Duterte Youth.
Isa ang Duterte Youth sa mga partylist organizations na maaaring manalo ng tatlong congressional seats sa darating na halalan, ayon sa mga poll surveys
Ayon sa mga nagsampa ng reklamo ang Duterte Youth ay lumabag sa Comelec Supplemental Resolution No. 11127 na nagbabawal sa mga kandidato na magsagawa ng terrorist labeling.
Nagharap ng ebidensya ang mga nagreklamo laban kay Cardema. Sa mga ebidensya, ipinakita ng mga ito na ilang ulit na nagpahayag si Cardema ng pambibintang na komunista ang ilang partylist groups.
"Paano magkakaroon ng pagbabago kung minamasama na agad ang pagkwestyon sa nasa kapangyarihan? Dahil sa pagkalat lalo ng ideya na terorista ang mga hindi pro-Duterte o hindi kampi sa administrasyong Marcos, di lang mga kandidato pero ordinaryong estudyante na rin ang napapahamak sa hysteria na binubunga ng fake news na ito,” paliwanag ni Cheska Duran, UP Student Regent.
Dagdag niya: “May mga ulat po ng mga UP students na biglang hinaharass habang nagcocommute, inaatake online at iba pang kaso dahil lang taga UP sila. Redtagging kills democracy, critical thought and o
Inilarawan ni PUP Student Regent Troy Cabangon na “crab mentality” ang pinaggagawa ng grupo no Cardema.
“This is a whole new level of crab mentality - drag your rivals down and poison the well too. Aatras at bibitak-bitak lalo ang Pilipinas sa redtagging at kung hahayaan lang tumakbo at magkapusisyon ang nagpapakalat nito” sinabi ni Cabangon.
. “The boy who cried terrorist just to win an election without clear proposed bills and platforms to address the urgent needs of the youth - the constituency they supposedly represent - should not be in the first place running for position,” diin ni Cabangon.0
