top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

DSWD sa mga senior citizens: Huwag magpalinlang sa Universal Social Pension fake news

7/1/25, 7:39 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Dahil sa patuloy na panlilinlang na bumibiktima ng mga senior citizens sa bansa, muling nilinaw ng Department of Social Welfare and Development na magka-iba ang Social Pension for Indigent Senior Citizens Program o SocPen at ng hindi pa naisasabatas na Universal Social Pension bill.

Sa isang pahayag, idiniin ng DSWD na ang SocPen ay ipinatutupad na at naglalayong bigyan ng buwanang pensyon ang mga senior citizens na mahihirap, may sakit, mahina o may kapansanan.

Ang SocPen ay isa nang batas - Republic Act 11916 - at nagpapatupad ng PhP1,000 buwanang pensyon para sa mga kwalipikadong nakatatandang Filipino.

Samantala, ang Universal Social Pension ay isang panukalang batas pa lamang na nabinbin sa Senado noong 19th Congress. Inaasahan ihahaing muli ang nasabing bill ngayon 20th Congress.

Nababahala ang kagawaran sa patuloy na kumakalat na fake news na lumilinlang sa milyon-milyong senior citizens tungkol sa dalawang programang ito.

Nanawagan sa mga senior citizens si Asst. Secretary Aida Colico ng DSWD Protective Programs na huwag paniwalaan ang mga impormasyon na ipinatutupad na ng kagawaran ang Universal Social Pension.

“We would like to explain that the DSWD’s SocPen program is different from the Universal Social Pension Bill,” paliwanag ni Colico.

Pinakiusapan niya ang publiko na balewalain ang mga social media contents na tatanggap na ng pensyon mula sa pamahalaan ang mga Pilipinong senior citizens, mahirap o mayaman man sila.

“Some posts contain information that may mislead the public, especially the vulnerable. Again, the DSWD would like to reiterate to only refer to our official social media accounts and website,” ayon sa opisyal ng DSWD.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page