top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

DepEd: Fake news ang balitang pagdagdag ng Saturday classes sa elementarya, senior high

7/2/25, 10:32 AM

Ni Samantha Faith Flores

Fake news ang kumakalat sa social media na magkakaroon ng klase tuwing Sabado ang lahat ng mga estudyante sa elementarya at senior high school

Ito ang nilinaw ng Department of Education na nagbabala sa mga estudyante at mga magulang na walang katotohanan na ganitong balita.

Ayon sa DepEd walang anumang polisiya ang inanunsyo o inaprubahan ng kagawaran sa pagkakaroon ng dagdag ng araw ang mga klase ng mga nasabing mga estudyante.

Mananatili pa ring mula Lunes hanggang Biyernes lamang ang mga araw ng pagpasok sa paaralan.

Sa social media post, idiniin ng DepEd ang babala na huwag padala ang publiko sa mga nagpapakalat ng nasabing fake news.

“Muling pinaaalalahanan ng DepEd ang publiko na mag-ingat at maging mapanuri laban sa anumang uri ng misinformation,” pahayag ng DepEd.

Nanawagan din ang kagawaran na biripikahin dapat ng publiko ang mga balita tungkol sa basic education at magtiwala lamang sa mga beripikadong sources.

Ang mga opisyal na impormasyon ay makukuha sa pamamagitan ng beripikadong social media accounts at opisyal na website ng DepEd Philippines.

Ang mga nagpapakalat ng mga fake news ay kumikita ayon sa dami ng mga mambabasa ng mga ito.

Nananawagan ang mga awtoridad na i-report sa mga kinauukulan at mga administrators ng social media applications ang kahina-hinalang mga impormasyon o mga beripikadong walang katotohanan.

Pinakiusapan din ang madla na huwag mag-share o mag-repost ng mga impormasyon kung hindi sila sigurado sa katotohanan sa likod ng mga postings.



Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page