

TRUTH VERIFIER
Dela Rosa nanawagan sa TriComm: imbestigahan din ang pro-BBM vloggers

Photo from cebudailynews.inquirer.net
2/21/25, 12:30 PM
Hinamon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang Tri-Committee (Tri-Comm) ng Mababang Kapulungan na imbestigahan din nito ang mga vlogger na pro-administration at ang mga kritikal sa political opposition.
Ayon kay Dela Rosa na kaalyado ni dating pangulo Rodrigo Duterte ang imbestigasyon sa fake news ay higit na magkakaroon ng tamang resulta kung hindi lilimitahan ito sa mga vlogger na hinihinalang mga Diehard Duterte Supporters (DDS).
Iniulat ng pahayagang Balita na iginigiit ni Dela Rosa na dapat ipakita ng Tricom ang objectivity sa kanilang imbestigasyon sa pamamagitan ng pag-imbita sa mga vloggers na pabor sa Marcos administration.
Idiniin niya na dapat parehas at hindi lamang DDS ang puntirya ng imbestigasyon.
Halos lahat ng 40 vloggers at social media influencers na inimbitihan ng Tri-Com sa imbestigasyon tungkol sa fake news ay tila kumikiling sa oposisyon kakampi ni Duterte.
Sa dalawang isinagawang hearing ng komite, iilan lamang sa 40 nabigyan ng imbitasyon ang nagpakita sa TriCom.
Sa halip na humarap sa komite, nagpunta ang marami sa Korte Suprema upang hingin na ipatigil ang imbestigasyon na umano’y maglalagay sa panganib ng kalayaan nila sa pamamahayag.
