

TRUTH VERIFIER
Dalawang babae nadakip sa pagbebenta ng pekeng titulo para sa housing project

Photo from www.abs-cbn.com
8/14/25, 8:08 AM
Ni Samantha Faith Flores
Dalawang babae ang inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation dahil sa pagbebenta ng mga pekeng titulo ng mga housing project.
Sinabi ng NBI nitong Huwebes (Agosto 14) na pinosasan nila sa sa Naic, Cavite sina Irene Rosal at Resie Jane Pacon dahil sa mga sumbong na ipinarating sa kanilang tanggapan ng mga umanoy naloko.
Hinuli sina Rosal at Pacon noong Agosto 6 at ipinagharap ng mga kasong swindling estafa at paglabag sa Presidential Decree No. 957 o Subdivision and Condominium Buyers Protective Decree.
Ayon sa NBI maraming mga indibidwal ang nagreklamo na na-swindle sila matapos na mapaniwalang may mga subdivision project sa pamamagitan umano ng MJRL Landsource Realty.
Ipinakita pa umano ng dalawa ang mga papeles na umanoy rehistrado at lisensyado sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Sa pag-iimbestiga ng NBI naberipika mula sa DHSUD 4-A (Calabarzon) na ang umanoy proyekto ay hindi naka-rehistro at hindi sakop ng valid license to sell.
Nasakote ang magkakutsabang suspect matapos ang entrapment operation noong Agosto 6.
Nakuha sa kanila ang MJRL Landsource Realty receipt, a lot plan for Landsource Residences (Phase 1), isang maser list ng umanoy napagbilhan ng mga lote at lot distribution map.
Nagpalabas ang DHSUD ng cease-and-decist order laban sa MJRL Landsource Realty upang itigil nito ang pagbebenta ng mga lote.
Nagbabala ang NBI sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga lupa at pagpasok sa investment ukol sa real estate industry.
