

TRUTH VERIFIER
Comelec chief inireklamo sa NBI sa 50 milyon ulit na paglabag sa cybercrime law

7/10/25, 10:16 AM
Ni Samantha Faith Flores
Mahigit sa 50 milyong beses umano lumabag sa anti-cybercrime law ang Commission on Elections sa pangunguna ni Chairman George Erwin Garcia, ayon sa mga kasong kriminal na pormal na isinampa kahapon (Hulyo 10).
Ilang abogado at civil society leaders na nabahala sa umanoy mga anomalyang nangyari sa pagsasagawa ng 2025 midterm elections ang nagtungo sa National Bureau of investigation upang ihain ang mga reklamo.
Kabilang sa mga complainant sina abogado Harold Respicio, Alex Lacson at dating Financial Executives Institute of the Philippines president Franklin Ysaac.
Ayon sa mga nagreklamo nagkasala ang Comelec ng paglabag sa system interference sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o ang Anti-Cybercrime Law.
May 55,874,700 naulit ang paglabag sa nasabing batas, diin nila.
Ipinaliwanag nila na ang Comelec ay hindi awtorisado sa batas na manipulahin o makialam sa Automated Election System o AES na ginawa nang maglagay ang poll body ng intermediary server o system sa Data Center 3.
Dahil sa ginawang ito, nagkasala ang Comelec ng system interference nang palitan ang certified and audited software program version 3.40 ng isang uncertified at hindi na-audit ng program version 3.50. Ang nasabing bersyon ay ikinabitat ginamit by may 110,000 automated counting machines sa buong bansa.
Sinabi ng mga complainant sa NBI na ang Comelec ay nagkasala ng 110,0000 counts of system interference sa bawat 110,000 ACMs na ginamit sa bansa kung saan ipinalit ang software program version 3.50 sa 3.40.
Nagkasala rin umano ang comelec ng system interference nang ilegal na niruta nito, pinagsamasama at ipina-proseso ang 55,874,700 na bot, sa pamamagitan ng unauthorized intermediary server o system sa Data Center 3 bago ipadala ang namanipula nang resulta ng limang Transparency Servers.
Si Lacson ay isa sa mga nagtatag ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan at Council of church Leaders for Transformation.
Kasama rin sa mga nagsampa ng reklamo sina Bishop Gerardo A. Alimanza, Bishop Efraim Tendero, Bishop Roberto Gaa, Bishop Josel Colin Bagaforo; dating Comelec Commissioner Augusto C. Lagman at retired Brig. Gen. Eliseo M. Rio, dating opisyal ng Department of Information and Communications Technology.
