top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Camille Villar inireklamo ng vote buying sa pagmudmod ng pera ng kanyang mga tauhan

Si incumbent Las Piñas solon Camille Villar na tumatakbong Senadora sa nalalapit na halalan sa Mayo 12. (Larawan mula sa Rappler)

4/24/25, 8:57 AM

Ni Tracy Cabrera

INTRAMUROS, Maynila — Inireklamo ng grupo ng mga kababaihang magsasaka si Las Pinas representative Camille Lydia Villar-Genuine na tumatakbo bilang senador dahil sa umano’y vote buying na naging dahilan para pagpaliwanagin ito ng Commission on Election (Comelec).

Ito ang napagalaman mula kay Comelec chairperson George Erwin Garcia na humihikayat sa publiko na maglakas-loob at maging partriyotiko dahil anumang pag-abuso o paglabag sa proseso ng halalan ay pagyurak sa karapatan ng taongbayan.

"Kung mayroon kayo ng nakikita na hindi Tamang ginagawa ng sinumang kandidato, hinihikayat ko kayo ng pumunta sa amin at isumbong o ireklamo, kailangan Lang na may matibay na ebidensya para aksyonan ng Comelec," paghimok ni Garcia.

Ayon kay Amihan secretary general Cathy Estavillo, kailangang magkaisa na ang sambayanan para tapusin na ang bulok na sistema ng pamumulitika dahil ang mga kandidato bumibili ng boto ay siguradong hindi umano magsisilbi ng tapat sa bayan.

“Hindi ito ang uri ng pamumuno na kailangan ng taumbayan. Ang pagbili ng boto ay hindi serbisyo—ito ay panlilinlang. Isang anyo ito ng korapsyon na matagal nang nagpapahirap sa ating mamamayan,” punto ni Estavillo.

Si Villar ay inakusahan ng vote buying matapos lumabas sa social media ang pamimigay umano ng kanyang mga tao ng pera sa isang rally sa Cavite na itinuturin na isang uri ng vote buying, na bagay namang itinanggi ng kongresista.

Gayunpaman nababahala si Estavillo dahil bukod kay Villar ay mayroon pa umanong 62 reklamo ng vote buying na natanggap ang Comelec sa gitna ng panahon ng kampanya para sa paparating na mid-term elections sa Mayo 12.

“Ginagamit ang kahirapan para patahimikin at bilhin ang boto ng mamamayan. Pero hindi dapat tayo manahimik. Panahon na para itakwil ang ganitong uri ng bulok na pamumulitika,” idiniin ng secretary general ng Amihan.

Iginiit nito sa Comelec na kailangang ang agarang aksyon ng Comelec sa mga kasong ito upang hindi masira ang kredibilidad ng 2025 election kahit gaano pa kayaman at makapangyarihan ang irereklamo.

“Ang tanong ngayon: may pananagutan ba ang mga mayayaman at makapangyarihan? O mananatili tayong nakakulong sa sistemang para lang sa kanila?” usisa ni Estavillo.

Umpapila din ito sa mga botante na matuto na sa mga nakaraang halalan kung saan ibinoto ng mga ito ang mga kandidatong bumili ng kanilang boto subalit walang nangyarin sa kanilang buhay at lalo pang nababaon sa kahirapan.

“Ang boto ay hindi dapat ibinebenta. Ito ay karapatang kailangang igalang at ipaglaban,” ayon pa sa lider ng mga magsasakang kababaihan.

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page