top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Billy Crawford gumawa ng legal action laban sa nagpakalat ng death hoax

ni Samantha Faith Flores

11/19/24, 9:03 AM

Gumawa na ng legal na hakbang si singer-TV host Billy Crawford laban sa mga nagpasimuno at nagkalat ng balita sa social media na siya ay patay na.

Ito ang napag-alaman habang pinayuhan ng Department of Information and Communications Technology ang mga netizens na maging mapag-suri sa pag-share ng mga balita na posibleng mga fake news pala.

Si Crawford ang isa sa marami nang biktima ng death hoax na ipinakakalat sa internet. Hindi pa matukoy kung sino-sino ang nasa likod ng panloloko sa internet ngunit naniniwala ang mga biktima na may sapat na kakayahan ang pamahalaan upang makilala at makasuhan ang mga ito.

Ipinakalat ang social media post na “Rest in Peace Billy Crawford” dalawang linggo nang nakalipas.

Sa kalokohang balita na ito, isinama ang litrato ng maybahay ni Billy na si Coleen Garcia-Crawford at kabaong.

Mayroon itong titulong “Sobrang SAkit Totoo wala na si Billy.”

Ayon kay Coleen mayroon nang ginawang legal na hakbang ang kanyang asawa upang mapanagot ang mga gumawa ng death hoax.

Ngayon 2024, matatandaan na ipinakalat din ng mga manloloko sa internet na namatay na sina Justin Bieber, sikat na radio commentator Ted Failon at dating Panulo Rodrigo Duterte.

“Pinatay” na rin sa internet sina Kuya Kim Atienza at Surigao del Sur Governor Alexander “Ayec” Pimentel.

Nabibigyan buhay ang mga ganitong panloloko sa madla sapagkat maraming netizens din ang sumasali sa lokohan sa pamamagitan ng pag-share ng mga maling balita.

Ang mga ganitong netizens ay posible ring maharap sa kasuhan sakaling matukoy na may kinalaman sila sa pag-share ng mga pekeng balita.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page