top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Banat sa Tulfo brothers, wa epek; Erwin at Ben lamang sa SWS senatorial survey

Photo from news.tv5.com.ph

12/27/24, 8:27 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Sa kabila ng kumakalat na mapanirang TikTok video at pagbuhay na kontrobersiya sa likod ng PHP60 milyon advertising campaign para sa pamahalaan, patuloy pa rin namamayagpag ang Tulfo brothers - Erwin at Ben - sa huling poll survey ng Social Weather Station para sa 2025 senatorial race.

Pumuwesto sa No. 1 si ACT CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, 60, sa “voter preference for senators” survey ng SWS na inilabas ngayon Disyembre 26 lamang.

Pumangalawa si Senator Ramon “Bong” Revilla ngunit malayo ang nakuhang porsiyento ng suporta na 33 percent kumpara sa kongresista na 45 percent.

Nasa ika-anim na puwesto ang komentaristang si Ben Tulfo, 69, nakatatandang kapatid ni Erwin, na nakakuha ng 30 percent ng boto mula sa mga respondents.

Halos pareho lamang ang nakuhang porsiyento at puwesto ng magkapatid na Tulfo sa ipinalabas na survey results ng Pulse Asia, isa rin mapagkakatiwalaan at beteranong survey firm.

Ayon sa SWS, ang survey ay galing sa mga sagot ng 2,097 rehistradong botante sa katanungan kung sino ang 12 indibidwal na kannilang iboboto para senador sa darating na Mayo.

Para sa ikatlo at ika-apat na puwesto, nakakuha ng 32 porsiyento sina re-electionist SEnators Bong Go at Pia Cayetano.

Ang dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay nakakuhang 31 porsiyento upang makapuwesto sa ikalima.

Para sa ika-pitong puwesto, nakakuha ng 27 porsiyento suporta si dating Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Tabla naman na nakakuha ng tig-26 porsiyento sina boxing legend at dating Senador Manny Pacquiao at televisiion host na si Willie Revillame.

Pang-sampu si Makati Mayor Abby Binay na may 25 porsiyento na sinundan ni Senator Lito Lapid na may 23 porsiyento ng suporta.

Para naman sa ika-12 hanggang ika-14 posisyon, nagkamit ng 21 percent sina Rep. Camille Villar at Senators Ronald Bato Dela Rosa at Imee Marcos.

Isang porsiyento lamang ang abante nila kay dating Senator Francis “Kiko” Pangilinan na nasa pang-15 puwesto.

Isinagawa ang survey habang nag-viral naman ang video ng debate nina Rep. Tulfo at ng dating artistang si Rep. Richard Gomez ng Leyte.

Nakita sa video kung paano tila nilampaso ni Gomez si Tulfo nang sa pagtatanong ng Leyte solon ay naipakita ang malaking pagkakamali ng partylist lawmaker sa pagbatikos sa umanoy delay sa pag-amyenda ng Dangerous Drugs Act.

Binuhay naman ng mga kritiko ni Ben ang umanoy anomalya sa likod ng PHP60 milyon na ibinayad ng Department of Tourism sa kanyang production company para sa isang advertising campaign sa PTV 4 noong 2018.

Dahil sa isyu, napilitang magbitiw sa katungkulang si DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo, nakatatandang kapatid ng komentarista.

Si Revilla man ay naqbatuhan ng isyu dahil tungkol sa pagkakasangkot niya sa pork barrel scam. Inabsuwelto siya dito ng Sandiganbayan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page