top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Balitang namatay sa ham sandwich si Mama Cass isang malaking fake news

Photo from conservativenewsdaily.net

5/8/24, 5:28 AM

Maraming mga senior citizen sa mundo ang hanggang ngayon ay naniniwala na ang sikat na mangaawit ng kanilang panahon na si Mama Cass, ng dating Mamas and the Papas, ay namatay nang mabulunan habang kumakain ng ham sandwich.

Ang halos 50 taon nang balitang ito ay isang malaking fake news, ayon kay Owen Elliot-Kugell, nag-iisang anak ni Mama Cass Elliot.

Si Mama Cass ang nagpasikat ng mga kantang “California Dreamin”, “Baby I’m Yours”, “Dream A little Dream of Me”, “Monday, Monday” at iba pang nakakagiliw na awitin.

Itinama ng anak ang “maritess” na nagpaniwala sa milyon-milyong tagahanga ni Mama Cass na ang sanhi ng pagkamatay ng kanilang idolo noong Hulyo 27, 1974 ay ang paglulon niya ng ham sandwich habang nakahiga siya.

Naging tampulan ng katuwaan ang trahedyang ito dahil na rin sa katabaan ni Mama Cass.

Sa kanyang librong “My Mama, Cass”, nilinaw ni Owen na atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina.

May hinanakit na ikinuwento ni Owen na madalas siyang tanungin tungkol sa pagkamatay ng ina, at ipinaliliwanag niya na fake news ang ham sandwich incident.

“There was a ham sandwich, bud she didn’t eat it and she didn’t choke on it. So enough with the jokes,” galit na sinabi ni Owen sa isang interview ng media.

Ayon kay Owen nasa Amerika siya at ang kanyang ina ay nasa England nang mangyari ang trahedya. Pitong anyos pa lamang siya noon.

Sinisi niya ang manager ng ina na si Allan Carr sa pagkakalat ng maritess tungkol sa “stupid sandwich”.

Sa mga nakalap niyang balita sa malalapit na kaibigan ng ina, nalaman ni Owen na katatapos lamang ng dalawang linggong performance ni Mama Cass sa Palladium sa London at kauuwi lamang niya mula sa birthday party ni Mick Jagger nang mangyari ang insidente.

Bagamat galing sa party, ay gutom si Mama Cass pagdating sa bahay kung kaya’t ginawan siya ng ham sandwich ng kanyang alalay. Ngunit natulog ito nang hindi man lamang tinikman ang sandwich.

Ipinalagay na namatay si Mama Cass noong Hunyo 27, 1974, bagamat natagpuan ang kanyang bangkay matapos ang dalawang araw.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page