TRUTH VERIFIER
Bakit bawal idaan sa online ang pag-ampon ng bata ayon sa DSWD?
.jpg)
Photo from www.brigadanews.ph
3/23/26, 6:15 AM
Ni Ralph Cedric Edralin
Nagpalabas ng babala ang Department of Social Welfare and Development laban sa dumaraming online procedure na nag-aalok ng child adoption process.
Ilegal at pawang panloloko lamang ang ganitong gawain sa internet, ayon sa isang video statement ng DSWD.
“Let us be clear: Adoption is never a private agreement between individuals,” paalala ng DSWD sa publiko.
“Kapag may nag-alok ng bata online, kahit pa sabihing tulong o pagmamalasakit, illega adoption pa rin ‘yan; at sa ilalim ng batas, kriment tio ant may parusang kulong,” ayon sa ahensyang pinamumunuan ni Secretary Rex Gatchalian.
Ayon pa sa DSWD hindi legal at hindi katangap-tanggap ang mga transaksyon o kontrata nauukol sa pag-ampon kung ito ay gawa-gawa lamang sa Facebook at iba pang social media.
Mahalagang idaan sa legal ng proseso ang pag-aampon ng isang musmos upang mapangalagaan ang kapakanan ng inaampon.
“Dahil ang adoption ay hindi tungkol sa kung ano ang gusto ng mag-aampon. Ito ay para sa proteksyon ng batang nangangailangan ng pamilyang magmamahal at kabibilangan niya,” paliwanag ng DSWD.
“When adoption happens outside the legal process, children are exposed toserious risks - loss of identity, abuse, neglect, trafficking and additional trauma,” ayon sa ahensya.
