top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Apple magbabayad ng katumbas ng PHP4.75-B dahil sa ‘marites' ni Siri virtual assistant

1/3/25, 6:04 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Aabot sa $95 milyon o PHP4.75 bilyon ang handang ibayad ng Apple para sa settlement ng isang class action lawsuit kung saan pinaratangan ng mga nagrereklamo na nilabag ng artificial intelligence powered Siri virtual assistant ang kanilang ‘user’s privacy.”

Isinampa ng Apple ang preliminary settlement ng kaso nitong Martes sa Oakland, California federal court.

Ilang mga gumagamit ng cellular phone ng Apple ang nagreklamo na nire-record ng Apple ang kanilang pribadong usapan kapat hindi sadya nilang in-activate si Siri.

Ang mga na-record na pag-uusap naman ay naipapahayag sa third parties katulad ng mga advertisers.

Kadalasan ay sumasagot ang mga voice assistants na katulad ng Siri kapag gumagamit ng nga sinasabing “hot words” tulad ng “Hey Siri” ang nag-uusap.
Ilan sa mga nagrereklamo ang nagsabing hang kanilang banggitin ang Air Jordan sneakers at Olive Garden restaurants, agad naglalabasan ang advertisement ng mga nasabing produkto.

Mula Setyembre 17, 2014 hanggang Disyembre 31, 2024 ang nasasakop ng class suit period. Ito ay nagsimula nang maging feature na ang “Hey Siri” na nagpasimula ang hindi awtorisadong pag-record.

Tinatayang milyom-milyon ang tatanggap ng $20 sa bawat aparatong gamit nila na katulad ng iPhones at Apple Watches.

Itinanggi naman ng kumpanyang base sa Cupertino, California na nakagawa ito ng pagkakamali.

Bagamat aabot sa PHP4.75 bilyon ang katumbas na pera gugugulin ng Apple para maayos lamang ang kaso, tila hindi naman umano iindahin ito ng US-based na kumpanya na kumikita ng $93.784 bilyon bawat taon.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page