top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Alamin kung bakit hindi ihihimlay si Pope Francis sa Vatican

Photo from iloilo.bomboradyo.com

4/25/25, 12:50 PM

Ni Samantha Faith Flores

Taliwas sa tradisyon para sa mga yumaong papa, ihihimlay si Pope Francis sa isang maliwanag na basilica sa halip na mga mga grotto sa loob ng Vatican City.



Karaniwan na sa mga namatay na pinuno ng simbahang Katoloko na mailibing sa Vatican City sa St. Peter’s Basilica.

Ngunit ayon sa huling habilin ni Pope Francis siya ang kauna-unahang pontiff sa higit na isang siglo na ililibing sa labas ng siyudad ng Vatican.

Simpleng libingan ang ninais ng papa na lubos na hinangaan at minahal ng mga Katoliko. Ito ay sa Basilica di Santa Maria Maggiore o St. Mary Major sa kabilang bahagi ng sentro ng Rome, pangunahing siyudad ng Italy.

Ihihimlay ang mga labi ni Francis ngayon Sabado matapos ang funeral na inaasahang dadaluhan ng higit sa 180 pinuno at lider ng iba’t-ibang bansa at mga dignitaries.

“The tomb must be in the earth, simple, without particular decoration and with the only inscription: Franciscus,” ayon sa huling habilin ng pinakamamahal na pontiff.

Ang mga gastos sa kanyang libing ay mangagalling sa isang “benefactor.”

Simula pa 2023 ipinahayag ni Pope Francis ang kagustuhang mailibing sa Santa Maria Maggiore.

“Because it is my great devotion,” paliwanag niya noong 2023.

Malaki ang pagmamahal ng Argentinian pope sa lugar kung saan siya namalaging isang buong araw matapos na matanghal na papa noong 2013.

Ayon sa mga kuwento, noong nagtungo si Birheng Maria kay Pope Liberius at sa isang aristokratikong Italyano, ipinakiusap niya nag magtayo sila ng simbahan para sa kanya at ang lugar ay matutukoy sa pamamagitan ng isang mirakulo.

tinukoy na ang Esquiline Hill sa Roma ang lugar na sinabi ni Santa Maria sapagkat sa lugar na ito nagkaroon ng niyebe sa pinakatuktok ng burol noong Agosto, 358. Kasagsagan ng tag-araw noong nangyari ang nasabing mirakulo.

Itinayo ang simbahan noong 431 sa ilalim na pamamahala ni Pope Sixtus III.

Bagamat pito na sa mga naunang papa ang nailibing sa Santa Maria Maggiore, si popular na pontiff ang kauna-unahang hindi mahihimlay sa ST. Peter’s Basilica simula noong ilagak ang mga labi ni Pope Leo XIII noong 1903 sa Basilica di San Giovanni sa Laterano, Italy.

Ang pinakahuling papa na nailibing sa Santa Maria Maggiore ay si Pope Clement IX noong 1669.

Kilala si Pope Francis bilang isang iindibidwal na umiiwas sa karangyaan at may tapat na pagmamahal sa mga mahihirap.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page