top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

27 Chinese nationals sa Clark scam hubs arestado

Photo from Inquirer

8/6/25, 9:22 AM

Ni Ralph Cedric Rosario


Inaresto ang 27 Chinese nationals matapos na magsagawa ang pulisya ng hiwalayng operasyon laban sa mga scam hubs na patagong nago-operate sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ayon kay PRO-3 chief P/Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones ang unang raid ay isinagawa bandang alas-2 ng umaga ng mga operatiba mula sa Central Luzon, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Immigration at ng Intelligence Service of the Armed Force of the Philippines.

Ang raid ay isinagawa sa Asian Greenville Resort sa Barangay Jose Abad Santos, Mabalacat City.

Dito nadakip ang 245 na Intsik, kasama ang dalawang babae.

Ayon kay Peñones “caught in the act” ang mga ito habang nagsasagawa ng “cryptocurrency investment scam” para sa mga nilolokong mga kliyente mula abroad.

Walong Filipina naman ang nakita rin sa lugar ng scam hub.

Matapos ang isang oras, nilusob naman ng raiding team ang isang condominium unit sa Clark Hills Village D sa Sacobia street, sa Mabalacat.

Nahuli ang tatlong Chinese nationals na nagsasagawa ng “phishing and other scam-related activities.”

Kinumpiska ng mga awtoridad ang maraming computer work stations, electronic devices na sumasailalim na sa forensic examination.

Comments
Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.
bottom of page