top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

15 contracting companies ng higit sa PhP100-B flood control projects tiba-tiba?

Photo from GMA NEWS

8/12/25, 12:25 PM

Ni Samantha Faith Flores

Ipinalabas na ang mga mahahalagang detalye tungkol sa nagmamay-ari ng 15 construction companies na naghati-hati umano sa 20 % ng PhP545-bilyon flood control contracts mula sa Department of Public Works and Highways.

Lumalabas ng higit sa PhP100 bilyon ang napuntang kontrata sa mga contractor sa loob lamang ng pagsisimula ng termino ni Pangulong Ferdinand marcos Jr. noong 2022.

Bagamat napakalaking halaga na ang inilabas ng pamahalaan para mawala ang pagbabaha sa bansa, nasayang lamang at hinihinalang nauwi lamang sa korapsyon ang ginastos.

Ayon sa record na ipinalabas ng Sumbong sa Pangulo website narito ang ilang detalye ukol sa mga kontratista:

Legacy Construction Corporation - nakakuha ng 132 flood control projects na may kabuuang halaga na PhP9.56 bilyon. Ang kumpanya ay pag-aari umano ng magkapatid na Alex at Raymond Abellido, ayon sa Securities and Exchange Commission.

2. Alpha & Omega General Contractor and Development Corporation - May main office sa Barangay Bambang, Pasig City. Ito ay pag-aari umano ni Cezarah Rowena C. Discaya na tumakbo bilang alkalde ng Pasig City noong May 12. Tinalo siya ng re-electionist na si Mayor Vic Sotto.

Aabot umano sa PhP7.73 bilyon na halaga ng kontrata ang nakuha nng kumpanyang ito.

3. St. Timothy Construction Corporation - may kaugnayan rin sa pamilya Diskaya. Ito ay pinamumunuan ni Ma. Roma Angeline Discaya Rimando bilaang pangulo. Nakasilo ang St. Timothy ng 105 flood control projects na nagkakahalaga ng PhP7.32 bilyon.

4. QM Builders - pag-aari ng Quirante family ng Cebu City. May PhP=7.77 bilyon kontrata mula sa malalaking proyekto ang napanalunan nito.



5. EGB Construction Corporation - Taga-Ilagan City, Isabela ang Baggao family na nagpapatakbo ng kumpanya. May 97 flood control projects na may kabuuang halagang P7.98 bilyon ang na-korner nito.

6. Topnotch Catalyst Builders Inc. pag-aari nina Eumir at Pamela Villanueva ng Las Piñas City. Nasa bahaing probinsya ng Bulacan at Metro Manila ang isinagawa nilang mga flood control projects.

7. Centerways Construction and Development Inc. - pag-aari ni Lawrence Lubiano ng Sorsogon City. Marami rin itong isinagawang proyekto sa Bicol at sa Cebu.



8. Sunwest Inc. - dating Sunwest Construction and Development Corporation ng Albay. Si dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizalde Co ang umanoy nagpatakbo ng kumpanya bago ito maging kongresista. Si Aderma Alcazar na ngayon ang bagong may-ari at pangulo ng Sunwest inc.



9. Hi tone Construction- may headquarters sa Sto. Domingo Albay. Ito ay pag-aari ni Edgar Acosta ayon sa records ng SEC.

10. Triple 8 Construction & Supply Inc. - may opisina sa Marilao, Bulacan, ito ay kumpanya ng Natividad family na pinangungunahan ni Wilfredo Natividad at Jocelyn Natividad.

11. Royal Crown Monarch Construction and Supplies- pinalalakad naman ng Miranda family mula sa Tarlac City. Base sa records, nakakuha ito ng malalaking kontrata para sa mga flood control projects sa Central Luzon, partikular sa Tarlac, Pampanga at Bualcan na pawang mga bahaing lugar.

12. Wawao Builder Corporation- nakalugar naman sa Mindoro Occidental. Mayroon din itong opisina sa Tandang, Sora, Quezon City. Ang pangulo nito ay si Mark Allan Villamor Arevalo at ang iba pang mga ehekutibo ay sina Jessica Aven Arevalo at Eduardo Francisco Aven.

13. MG Samidan Construction - mula naman sa Mountain Province na pagma-mayari ng Samidan family na sina marjori Samidan, Kevin Samidan, Kliff Samidan at Kamille Samidan.

14. L.R. Tiqui Builders Inc. -may opisina sa Sta. Maria Bulacan. Ito ay pingunguluhan ni Luisito Tiqui. Si Maria Soledad DG Tiqui naman ang pangalawang pangulo at ingat yaman.

15. Road Edge Trading and Development Services - Hinihintay pa ang record ng mula sa SEC. Ngunit ayon sa mga dokumento ng DPWH si Engr. Ryan Willie D. Uy ang general manager ng kumpanya.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page