

TRUTH VERIFIER
“X” account ni Angel Locsin ginulo ng mga hackers

1/14/25, 9:05 AM
Laking gulat ni Angel Locsin nang nagkaroon siya ng convo sa X (dating Twitter) kay Elon Musk, ang kontrobersyal na bilyonaryong Americano.
Higit naman nagulat ang kanyang mga taga-hanga sapagkat mahigit na dalawang taon na rin hindi nagpaparamdam ang aktres sa social media at sa showbiz.
Bogus o peke, ayon sa kampo ng aktres, ang na-post sa X dahil na-hack ang account niya na @143redangel
Sa X tweets noong Lunes (Enero 13) may sagot si Angel sa post ni Musk tungkol sa reusable rockets.
“Today I seen this on all news and I participated and i’m so happyyy. I want to share with you guys,” sagot ng nagkunwaring si Angel.
Halata naman hindi nga ang aktres at nagpost sapagkat mali-mali ang grammar ng lumabas na umanoy sagot niya.
Ayon sa malalapit kay Angel ang kanyang page ay hindi pa rin nare-recover kung kaya’t nagbigay ng babala ang aktres.
Sa kanyang post ito ang isinulat ng aktres: “ATTENTION: Please note that @143redangel, Angel Locsin’s account on X (formerly Twitter), has been hacked. Any replies or tweets from this account are not from Angel. Please be cautious.”
Pinakiusapan din ng nag-lielow na artista ang kanyang mga fans at kaibigan na huwag mag-click ng link sa post ng hacker na kanyang X account.
