top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Willie Revillame hindi na ba tatakbong senador sa 2025?

7/9/24, 4:52 AM

Inamin ni Willie Revillame na nawawalan siya ng ganang tumakbo sa pagsenador sa 2025 midterm elections.

Nang sumalang siya sa programang "Seryosong Usapan" ng TV5, sinabi ni Willie na nadidismaya siya sa mga napapanood na bangayan ng public officials.

"Nanonood ako ng Senate hearing... Nilalagay ko ‘yung sarili ko, what if nandiyan ako? Anong magagawa ko? Pero kapag nakikita kong nag-aaway at nakikita kong parang walang unity, parang napu-frustrate ako," kwento ni Willie.

"Ang sinasabi ko, 'pag nagkakampanya, magkakasama tayong lahat, 'pag nangangampanya puro pangako ang ginagawa natin sa tao pero kapag nakaposisyon ka na, nag-iiba na ang lahat. That is my opinion," dagdag pa ng TV host.

Paliwanag pa ni Willie, may kontrata pa siya sa TV5 bilang host at bahagi raw nito ay hindi siya papasok sa pulitika.

"I’ll be honest, I have a contract with TV5," sabi niya. "Three years ang contract ko."

Umugong ang planong pagtakbo sa pagkasenador ni Willie matapos niyang sabihin sa isang prayer rally ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero na siyang pasukin ang mundo ng politika.

Pero sa nasabing panayam, sinabi niyang "handa na siyang tumulong" at hindi raw niya sinabing handa siyang kumandidato.

Kilalang malapit si Willie sa dating pangulo at mga kaalyado nitong senador.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page