top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

VP Duterte: NSC malisyosong minali ang konteksto ng ‘banta’ kay PBBM

11/25/24, 5:00 AM

Ni Samantha Faith Flores

Sinadyang lagyan ng “malisya at inilayo sa tamang konteksto” ang sinabing pagbabanta ni Bise Presidente Sara Duterte na paglikida kay Pangulo Ferdinand Marcos Jr. noong isang linggo.

Ito ang nilinaw ni Duterte sa isang bukas na liham kung saan binatikos nito ang pahayag ng National Security Council noong Linggo na kinokonsidera ng konseho na “serious and a matter of national security” ang binitiwang salita ng pangalawang pangulo noong Sabado (Nobyembre 23).

Kinuwestiyon din ni Duterte kung totoong nagkaroon nga ng pulong ang NSC upang pag-usapan ang umanoy pagbabanta niya laban kay Marcos.

“I would like to see a copy of the noticer of meeting with proof of service, the list of attendees, photos of the meeting and the notarized minutes of meeting where the Council, whether present or past, resolved to consider the remarks by a Vice President against a President, maliciously taken out of logical context, as a national security concern,” pahayag ni Duterte sa open letter.

“In addition, please include in the agenda for the next meeting my request to present to the council the threats to the Vice President, the OVP institution and its personnel,” dagdag niya.

Ipinagtataka ni Duterte kung bakit hindi siya inanyayahan sa nasabing pulong gayong siya ay dapat kasapi sa NSC sang-ayon sa Executive Order No. 115 na nilagdaan noong 1986.

Simula nang maupong ikalawang lider ng bansa, hindi man lamang nakumbida si Duterte para sa pagpupulong ng NSC, ayon sa kanya.

Inatasan niya ang NSC na padalhan siya ng mga accomplishment ng konseho ukol sa mga “policies and recommendations for national security.”

“Moreover, please submit within 24 hours, an explanation in writing with legal basis why the VP is not a member of the NSC or why as member I have not been invited to the meetings, whichever is applicable,” diin nito.

Matatandaang nagbanta umano si Duterte na ipapapatay sina Marcos, ang kanyang maybahay na si First Lady LIza Araneta-Marcos at pinsan na si Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay patayin.

Ito ay kanyang sinabi matapos na mag-isyu ng direktiba ang Kamara na ilipat sa Correctional Institute for Women ang kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez na napatunayan nagkasala ng contempt ng Committee on Good Government and Public Accountability.

Si Lopez ang ikalawa na sa mga tumestigo sa imbestigasyon ng Kamara na ipinapipiit sa kulungan ng mga kababaihang napatunayang nagkasala sa batas.

Naging kontrobersiyal ang sinabi ni Duterte sa pulong balitaan: “May kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si LIza Araneta at si Martin Romualdez.’ No joke, no joke. Nagbilin na ako.”

Inaakusahan ni Duterte ang mga magpipinsang Marcos-Romualdez ng panggigipit sa kanyang opisina dahil umano sa balak ng mga ito na iluklok si Speaker Romualdez na susunod na pangulo ng bansa.

Photo from kami.com.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page