top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

VIRAL: Lolong bumalik sa college sa edad na 90 hinangaan online

3/19/24, 10:58 AM

Ni MJ Blancaflor

Hinahangaan ng maraming kabataan ngayon ang 90-anyos na lolo sa Maryland, United States matapos itong bumalik sa kolehiyo upang mag-aral sa kabila ng kanyang edad.

Inspirasyon ngayon ng mga mag-aaral si Paul Hocheder na kamakailan lamang ay nag-enrol sa History program ng Carroll Community College sa Maryland.

Ibinahagi ng kanyang apo na si Gabrielle Remington sa social media platform na TikTok ang ilang video clips ng unang araw ni Lolo Paul sa campus.

Ikinatuwa ng marami ang video at napanood na higit apat na milyong beses sa TikTok.

Sa panayam ni Paul sa "Good Morning America," sinabi niyang excited siya sa muling pagbabalik niya sa pag-aaral.

"It makes me feel young again," ani Paul sa programa.

Proud naman si Gabrielle sa kanyang lolo, pero hindi raw niya ikinagulat ang desisyon nito dahil hilig daw talaga nito ang mag-aral.

"He told me, 'I think I'm going to go back to college.' And I thought, 'I'm not really surprised.' He loves learning," sabi nito.

Ipinost niya raw sa TikTok ang video ng kanyang lolo habang nag-iikot sa campus sa paniwalang magiging inspirasyon din ito sa ilang mag-aaral.

"I'm so proud of him," dagdag ni Gabrielle.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page