top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Utang ng Pinas lumobo sa higit P16.5-T

2/5/25, 3:31 AM

Lumobo sa bagong record-high na P16.5 trillion ang utang ng pamahalaan noong katapusan ng 2024 bunsod ng paghina ng ekonomiya.

Ayon sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury, tumaas ng 9.8% o P1.44 trillion ang natitirang utang ng pambansang pamahalaan mula sa P14.62 trillion noong katapusan ng 2023.

Itinuturong dahilan nito ang net issuance at availment ng domestic at external debt, pati na rin ang panghihina ng piso laban sa US dollar.

Umabot sa P10.93 trillion ang domestic debt ng bansa, mas mataas ng 9.1% mula sa P9.12 trillion noong nakaraang taon matapos mag-isyu ang gobyerno ng mga debt securities upang palakasin ang kaban nito.

Dahil dito, umabot sa 60.7% ang debt-to-GDP ratio, bahagyang mas mataas sa itinakdang target na 60.6% sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework.

Samantala, nanatili sa 11.4% o P5.12 trillion ang external debt ng bansa mula sa P4.6 trillion noong nakaraang taon dahil sa dagdag na debt availments at paghina ng piso kontra dolyar.

Gayunpaman, bahagyang bumaba sa P346.66 billion ang guaranteed obligations ng gobyerno.

Sa kabila nito, tiniyak ng mga economic managers na hindi dapat ikabahala ang lumalaking utang ng bansa hangga’t patuloy ang mas mabilis na paglago ng ekonomiya. #

Photo from shutterstock.com

Comments

Deine Meinung teilenJetzt den ersten Kommentar verfassen.
bottom of page