top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

TV astrologer Zenaida Seva pumanaw na

3/22/24, 2:15 AM

Ni MJ Blancaflor

Pumanaw na ang kilalang astrologo na si Zenaida Seva.

Kinumpirma ito ng manunulat na si Jessica Zafra, matalik na kaibigan ni Zenaida, sa Instagram kagabi, Marso 21.

"I just received a text from Zenaida Seva's phone informing me that she has passed away," sabi ni Jessica. Hindi na niya idinetalye ang dahilan ng pagyao nito.

Inalala rin ni Jessica ang samahan nila ng kanyang kaibigan. Madalas daw silang manood ng sine noong 1990s at early 2000s. "We would watch the last full show then have a meal to discuss it. She was a true eccentric and never apologized for it."

Kwento pa ng manunulat, naniniwala raw si Zenaida noon na ang tunay na astrologer ay nangangailangan lamang ng detalye ng kapanganakan ng isang tao, lapis at papel, at librong naglalaman ng astronomical objects, positions, and trajectories. "She said there are many charlatans out there."

Hindi man naniniwala sa astrology si Jessica, pero lagi raw tama mga hinuha ni Zenaida.

Napanood ng madla si Zenaida sa dating morning program ng ABS-CBN na "Umagang Kay Ganda," kung saan siya nagbibigay ng mga prediksyon batay sa astrolohiya araw-araw.

Sa social media, inalala naman ng mga netizen ang kanyang pamosong linya, “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Meron tayong free will. Gamitin natin ito."

Ibuburol ang mga labi ni Zenaida sa Mortuary Chapels ng Christ the King Parish sa Greenmeadows Avenue, Quezon City mula Biyernes, Marso 22, hanggang Linggo, Marso 24.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page