top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Tugon ni VP Sara sa mga kaso laban sa kanya: “As expected!”

2/12/25, 12:46 PM

Ni Samantha Faith Flores

“As expected!”

Ito ang tugon ni Bise Presidente Sara Duterte sa pagsampa ng National Bureau of Investigation ng mga kasong kriminal laban sa kanya dahil sa umano’y pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Hindi na nagpaliwanag si Duterte kung bakit ganoon ang kanyang reaksyon sa NBI cases ngunit malinaw naman na inaasahan niya na aasuntuhin siya ng ahensya.

Hindi sinipot ng ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ang imbitasyon ng NBI matapos na nagbahaya umano siya ng pagbanta kay Marcos, asawang si Liza Araneta Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez noong Nobyembre.

Ayon sa malalapit sa bise presidente, batid ni Duterte na ang mga nangyayari sa kanya ay may kinalaman sa pahayag niya na tatakbo ito bilang pangulo sa 2028 presidential elections.

Noong isang linggo lamang, sinampahan si Duterte ng kasong impeachment sa Senado ng 215 na miyembro ng Mababang Kapulungan.

Ang NBI cases na grave threats at inciting to sedition ay kasama sa pagbabato ng paninira kay Duterte upang pigilan umano ang kanyang balak na llumaban sa 2028.

Inihambing ng mga nasa kampo ni VP Duterte ang mga pambibintang sa kanya sa mga nangyari na kina dating Vice President Jejomar Binay, Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Secretary Mar Roxas nang planuhin nilang tumakbo sa pagka-bise presidente, sa kaso ni Binay at pangulo sa kaso nina Arroyo at Roxas.

Pinabulaanan naman ni Duterte na siya ay nag-iisip na patayin ang pangulo, si First Lady at Speaker.

Nilinaw niya na ang kanyang mga nasabi ay inilayo ng mga kritiko sa tunay na kahulugan nito.

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page