top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Trust rating ni PBBM at VP Sara patuloy na bumababa

2/4/25, 7:03 AM

Ni Samantha Faith Flores

Patuloy ang pagbulusok ng trust rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni Bise Presidente Sara Duterte ayon sa pinakabagong Social Weather Stations survey.

Sa survey na isinagawa ng SWS para sa Stratbase Group, halos pareho ang grado ng dalawang pinakamataas na ehekutibo ng pamahalaan sa pagtitiwala ng mga mamamayan.

Nakakuha ng 50 porsiyento si Marcos habang si Duterte naman ay may 49 percent na “much trust” rating o lubos na tiwala.

Unti-unting bumabagsak ang pagtitiwala sa dalawang opisyal simula noong Hulyo, 2024 kung saan nakakuha si Marcos ng 64 percent. Ito ay bumaba sa 57 percent noong Setyembre, 2024 at patuloy na bumulusok sa 54 percent noong Disyembre 2024.

Si Duterte naman ay nagsimula ng 65 percent noong Hulyo 2024 at nagtapos sa 55 porsiyento noong Setyembre. Lalo pang bumaba sa 52 porsiyento ang kanyang trust rating noong Disyembre, 2024.

Ang SWS survey ay sinalihan ng 1,800 respondents sa buong bansa at nagtalaga ng margin of error ng “plus or minus 2 percent”.

Lumalabas na pantay ang nakuhang puntos ng dalawang lider ng bayan.

Pinkamataas ng trust rating ang nakuha ni Marcos sa labas ng Maynila na nag-rehistro ng 60 porsiyento habang sa Mindanao naman ay lagpak sa 37 porsiyento ang naitala nito.

Nakapag-rehistro ng 78 porsiyento sa Mindanao si Duterte at nakakuha naman ng 33 porsiyento lamang sa labas ng Metro Manila.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page