

HEADLINES
Travel goals: Pasaporte ng Pinas umangat sa 2024 ranking

1/12/24, 5:00 AM
Ni MJ Blancaflor
Bahagyang umangat ang pasaporte ng Pilipinas sa 2024 ranking ng consultancy firm na Henley & Partners.
Nasa ika-73 pwesto na ang bansa, mas mataas kesa sa ika-71 pwesto nito noong nakaraang taon.
Tied ang pasaporte ng Pilipinas sa pasaporte ng Cape Verde Island at Uganda na pare-parehong may visa-free access sa 69 bansa.
Samantala, nangunguna sa buong mundo ang mga pasaporte ng ating karatig-bansa na Singapore at Japan. Kasama nito sa No. 1 spot ang France, Germany, Italy, at Spain.
May visa-free access ang mga ito sa 194 na bansa.
Nasa ikalawang pwesto naman ang Finland, South Korea, at Sweden (may visa-free access sa 193 na bansa), habang pumangatlo ang Austria, Denmark, Ireland, at The Netherlands (192 na bansa).
Sinusundan iyan ng Belgium, Luxembourg, Norway, Portugal, and the United Kingdom sa ikaapat na pwesto (191 na bansa) at pumanglima ang Greece, Malta, at Switzerland (190 na bansa).
Samantala, nasa ikapitong pwesto naman ang pasaporte ng United States.
Kulelat sa nasabing listahan ang mga pasaporte ng Afghanistan, Iraq, at Syria.
Batay ang ranking na ito sa pagsusuri ng Henley & Partners sa datos ng International Air Transport Association o IATA ukol sa 199 na pasaporte sa buong mundo at sa dami ng mga bansang pwedeng bisitahin sa pamamagitan ng mga ito na di na kinakailangan pa ng visa.