top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Tigilan na ang siyete: Plakang “7” hindi ipinahihiram ni Gatchalian kaninuman

11/8/24, 9:06 AM

Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na ang mga opisyal na protocol plate number “17” na inisyu sa kanya ng Land Transportation Office ay nakakabit sa kanyang sasakyan at hindi ipinahiram kahit kanino.

Nilinaw ni Gatchalian ang kanyang panig sa isyu matapos na ipaalam ng LTO sa publiko na ang mamahaling Cadillac Escalade na naging kontrobersiya dahil sa busway issue ay pag-aari ng Orient Pacific Corporation.

Kasosyo umano ang pamilya Gatchalian sa nasabing kumpanya.

Ang sports utility vehicle na Escalade ay nakuhanan ng video nang pumasok ito sa EDSA busway at akmang sasagasaan ang babaeng traffic enforcer na sumisita sa driver.

Nakakabit sa SUV ang plakang “7” na iniisyu lamang ng LTO sa mga senador.

“I never lent out my official issued license platers to anyone. The official license plate installed on my car is duly registered with the LTO,” paliwanag ni Gatchalian sa mga Senate reporters.

Ngunit nagpahayag na rin ang LTO na ang isinurender na plakang “7” na nakakabit sa kontrobersiyal Escalade ay peke at hindi ang inisyu kay Gatchalian.

Sa pahayag ni Ahna F. Mejia, director for Media Affairs and Communications ng tanggapan ng senador, sinabi nito na walang kinalaman si Garchalian sa nangyari sa Guadalupe EDSA busway at hindi siya ang pasahero ng sasakyan ng mga sandaling iyon.

Ayon kay Mejia walang pag-aaring Cadillac Escalade si Garchalian.

“Furthermore, Senator Gatchalian has no connection to Orient Pacific Corporation whatsoever. We hope this clears up any misunderstandings and help provide accurate information to everyone,” dagdag ng media director.

Photo from radyopilipinas.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page