top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Tinuligsa kongresistang dumepensa sa PHP12-B kaltas sa DepEd budget: “Huwag ibaon ang edukasyon”

12/16/24, 2:45 PM

Lalo pang ibinabaon umano ng isang kongresista ang sektor ng edukasyon sa bansa nang depensahan niya ang PHP12-bilyon pagkaltas sa budget ng Department of Education at ideklara niya na nilustay ng kagawaran ang pondo nito.

“It seems the congressman wants us to sink even lower,” ang galit na post ni Angara na ang itinutukoy ay si 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez.

Ang malaking tagpas sa 2025 funding allocation ng DepEd ay taliwas sa mga naging desisyon ng mga nakaraang Kongreso na nagdadagdag pa sa panukalang budget ng kagawaran.

Sa kanyang pagdepensa ng kaltas sa DepEd, iginigiit ni Gutierrez na dapat sisihin si Bise Presidente Sara Duterte sa naging desisyon ng bicameral conference committee para sa 2025 budget na tagpasin ang 2025 budget ng DepEd.

“We know it’s extremely difficult for Secretary Angara to defend DepEd’

s lack of action when the Philippines is already at rock bottom in global education rankings. A teacher-to-computer ratio of 30:1 is unacceptable, and we have VP Sara to blame for it,” paliwanag ng baguhang mambatbatas.

Ngunit ang hindi naman malinaw sa ng lider ng edukasyon ay kung bakit dapat pagdusahan ni Angara at ang ipatutupad na mga programa sa edukasyon kung sakali ngang may malaking pagkakamaling ginawa si Duterte.

Nagdududa naman ang iba na ito ang desisyon ng Kongreso dahil nais ng ilang maimpluwensyang mambabatas na ibaling ng mga tao kay Duterte ang malaking kaltas sa edukasyon.

Inakusahan ni Angara ang mga dati niyang kasamahan sa Kongreso nag pagsabotahe sa planong ng DepEd na dagdagan ang computers sa mga public schools.

Ayon sa kanya, ang PHP10 bilyon kinaltas ay para sana sa computerization program sa mga paaralan.

“This reverses a trend in recent years where Congress adds even more to the education budget,” diin ni Angara.

Ipinaliwanag niya na bagamat tataas ang alokasyon ng kanyang departmento, sinabi ng kalihim na kapos pa rin ang budget kung ikukumpara sa planong pagdagdag ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Samantala, ipagpapatuloy naman ng mga mambabatas ang pagpapamudmod ng mga ayuda sa pamamagitan ng Assistance for Individuals in Crisis Situation at Ayuda para sa mga Kapos ang Kita bagamat campaign season na sa 2025.

`Siniguro ng mga senador at kongresista na kaalyado ng Marcos adminisration ang paglalaan ng PHP39.5 bilyon para sa AICS at PHP26.3 bilyon para sa AKAP.

Bagamat ang AKAP at AICS ay mga programa ng Department of Social Welfare and Development, ang mga mambabatas ang binibigyan ng awtoridad upang mamili ng mga benepisaryo.

Dahil sa ganitong sistema, nagiging kasangkapan ng patronage politics lamang ang dalawang programang pang-ayuda.

Photo from newsinfo.inquirer.net

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page