top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Term limit amendment atbp probisyong pulitikal sa Charter, iisnabin ng Senado- Angara

2/2/24, 10:30 AM

Siniguro kahapon ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara na tanging ang mga probisyong pang-ekonomiya lamang ang magiging pokus ng isasagawang pagdinig ng Senado tungkol sa Charter change.

Kinalma ni Angara ang mga pangamba ng marami na baka umano talakayin din ang mga political provisions kasama ang pagtanggal ng limitasyon sa termino ng mga nakaupong opisyal.

Itinakda ng komite ni Angara sa darating na Pebrero 5 ang pagsisimula ng pagdinig.

Ayon sa kanya tututukan ng mga senador ang mga panukala para sa pagbabago ng mga probisyong pang-ekonomika ng 1987 Saligang Batas. Idinagdag niya na may posibilidad na may mga probisyong maapektuhan ng pagbabago.

Samantala patuloy na binabatikos ng mga kongresista ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa umanoy suhulan sa likod ng signature campaign para sa prosesong People’s Initiative na gagamitin sa Chacha.

Tinawag ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez na isang “witchhunt” ang ginagawang imbestigasyon ng mga senador sa pangunguna ni Senador Imee Marcos.

“After two hearings, no witnesses have come forwad tos ay that they received money or were bribed to sign the petition calling for Charter amendments. Nakakahiya na tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon kahit lahat ng testigong iniharap nila sa pagdinig ay nagsasabing hindi sila nabayaran,” pahayag ni Suarez, representante ng Quezon.

Sa halip na imbestigasyon sa umanoy suhulan, dapat na lamang tuunan ng pansin ng mga senador ang Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayong amyendahan ang mga economic provisions ng Saligang Batas na sumisikil sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sa pagdinig na isinagawa ng Senado napag-alaman na direktang nakipag-ugnayan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang mga kongresista sa mga lider ng nagpapapirma ng PI petition.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page