top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Taiwan niyanig ulit ng 2 magkasunod na lindol

4/27/24, 6:49 AM

Niyanig muli ng dalawang magkasunod na lindol ang Taiwan nitong Sabado, Abril 27.

Sa ulat ng Focus Taiwan, Tumama ang unang lindol na may lakas na 6.1 magnitude sa may silangang bahagi ng Hualien. Kalahating oras matapos nito ay niyanig naman ang nasabing lugar ng 5.8 magnitude na lindol.

Ang pinakamatataas ng intensity o aktwal na epekto ng pagyanig ay naitala sa Hualien, Yilan, Nantou, Hsinchu at Taichung.

Sa kabila nito, ramdam daw sa halos buong Taiwan ang nasabing lindol.

Higit 1,000 aftershock na ang naranasan sa bansa ngayong buwan mula nang tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa Hualien kung saan 17 katao ang napaulat na nasawi.

Comments

생각을 공유하시겠습니까?첫 번째 댓글을 작성해보세요.
bottom of page