top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

SolGen Guevarra itinagging nilaglag ang pamahalaan; ipauubaya kay BBM ang pananatili sa OSG

3/18/25, 7:12 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Sa harap ng mga akusasyon na nilaglag niya ang pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinaubaya ni Solicitor General Menardo Guevarra sa pinunong ehekutibo kung pananatiliin pa siya nito sa puwesto.

Ito ay matapos na magpahayag ng pagkabahala ang Malacañang sa posisyon ni Guevarra na hindi nito ipagtatanggol ang ginawa ng pamahalaan na pakikipagtulungan sa International Criminal Court upang madakip at maipadala sa hurisdiksyon ng ICC si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang posisyon ng OSG ay ipinaalam sa sagot ng tanggapan sa mga naihaing petisyon para sa habeas corpus na naisumite sa Korte Suprema.

Nakiusap sa korte ang OSG na ilabas na ito sa kaso sapagkat matatag ang paniniwala ng tanggapan na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas na hindi na kasapi ng international body.

“Considering the OSG’s firm position that the ICC is barred from exercising jurisdiction over the Philippines and that the country’s investigative, prosecutorial and judicial system is functioning as it should, the OSG may not be able to effectively represent the respondents in these cases and is constrained to recuse itself from participating therein,” paliwanag ng OSG sa manipestasyon na isinumite sa Supreme Court nitong Lunes. (Marso 17).

Sa isang panayam sa Teleraduyo Serbisyo ng ABS-CBN, idiniin ni retired Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang manipestasyon ni Guevarra sa Korte Suprema ay salungat sa posisyon ng Malacañang na naayon sa Republic Act 9851 ang pag-aresto kay Duterte noong Marso 11.

“Talagang napakasama ng nangyari dahil sinabi niyang walang jurisdiction ang ICC. “yun nga ang posisyong ng government ngayon na nilipat nila dahil the ICC should takeover under RA 9851. Government authorities have the option to surrender the accused to the ICC because may warrant of arrest na sa ICC,” paliwanag ni Carpio.

Buo naman ang paniwala ni Carpio na may sapat na dahilan si Marcos na tangggalin na sa puwesto si Guevarra na nagsilbi rin kalihim ng Department of Justice sa ilalim ng pamamahala ni Duterte.

Mariing pinabulaanan ni Guevarra na siya ay may conflict of interest sa naihayag na posisyon ng OSG.

“The OSG represents the interest of the republic vis-a-vis the ICC and no other interest. Our recusal is not personal, it is institutional,” diin niya.

Dagdag ni Guevarra: “The OSG’s position will fremain the same irrespective of the personalities involved, it is the Republic’s position.”

Ipinauubaya na ni Guevarra kay Marcos and desisyon kung tatanggalin o mapapanatili siya sa puwesto.

Sa pulong balitaan sa Palasyo, sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Clair Castro na nararapat nang magdesisyon si Guevarra kung karapat-dapat pa siya sa kanyang puwesto.

“Siguro si Sol Gen ang dapat mag-assess sa sarili niya kung siya pa ba ay nararapat tumayo as Solicitor General,” ayon kay Castro.

Comments

Condividi i tuoi pensieriScrivi il primo commento.
bottom of page