top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Sinuspinde na ng DOTr ang operasyon ng Solid North sa loob ng 30 araw

5/5/25, 5:33 AM

Ni Samantha Faith Flores

Makaran ang magkasunod na linggong pagtaas ng presyo, matatapyasan naman simula Martes (May 6) ang presyo ng mga produktong langis.

Babawasan ng mga kumpanyang langis ang pump prices ng gasolina ng PhP0.55 bawat litro at PhP0.65 naman bawat litro sa diesel. Aabot ng PhP0.90 ang tapyas sa kerosene.

Nagpahayag ng abiso nitong Lunes (May 5) ang mga kumpanyang Shelll Pilipinas, CleanFuel at Caltex.

Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (DOE-OIMB) ang pagbaba ng mga presyo ay dahil sa kakapiranggot na pagbawasd ng Saudi Arabia ng produksyon ng langis.

Sinabi rin ng DOE-OIMB na ang Estados Unidos ay magdadagdag ng imbentaryo kung kayat nagkaroon ng pangamba ng oversupply sa global market.

Ang pinakahuling pagtaas ng presyo ng produktong langis ay nangyari noon nakaraan linggo nang dagdagan ng mga oil companies ang kanilang presyo ng PhP1.35 bawat litro para sa gasolina; PhP0.80 para sa krudo at PhP0.70 para sa kerosena.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page