

HEADLINES
Singil sa koryente bababa sa buwan ng Abril - Meralco
.jpg)
4/6/24, 2:44 PM
Habang tumataas ang inflation sa bansa, nagbigay naman nitong Sabado (Abril 6) ng magandang balita ang Manila Electric Company na nagsabing bababa ang singil sa kuryente sa buwan ng Abril.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, hepe ng Corporate Communications unit ng Meralco, kinukumpirma na lamang ng ang pinal na kwenta ng halaga ng koryente.
Subalit idiniin ni Zaldarriaga na lahat ng indikasyon ay patungo sa inaasahang mababang power rate para sa Abril.
“We anticipate both lower generation and transmission charges”, paliwanag ni Zaldarriaga.
Ang dalawang pangunahing dahilan na ito ang nagbibigay ng indikasyon na bababa ang singil sa koryente sa buwang ito
Noong Marso, itinaas ng Meralco ang halaga ng koryente ng PHP0.0229 bawat kilowatt hour na umaabot sa overall rate na PHP11.9397.
Sa buwan naman ng Pebrero, P11.9168 per kWh ang naging kwenta.
Ang pagbabago ng presyo ay naging sanhi ng manipis na pagtaas ng singil sa koryente ng mga residential customers na may konsumong 200 kWh.