

HEADLINES
Septuagenarian patay matapos ihulog sa Vigan public market

1/15/24, 3:15 AM
Patay ang isang 74-anyos na lolo matapos na itulak mula sa ikalawang palapag ng isang pampublikong palengke sa Vigan City noong Sabado (Enero 13).
Inaresto ng mga awtoridad si Angelo Garcia Pido, 22, matapos na ituro ng mga testigo na siyang nagtulak kay Rosario Rabang Regua sa hindi pa malamang kadahilanan.
Si Pido umano ay nakakaramdam umano ng depresyon ng mga sandaling nagkaharapan sila ni Regua at itulak niya ang senior citizen.
May posibilidad ng hindi na makalusot si Pido ng responsibilidad sa pagkamatay ni Regua sakaling mapatunayan nito sa korte na siya ay wala sa pag-iisip nang saktan niya ang nakatatandang si Regua.
Iniimbistigahan pa ng mga pulis ang dahilan sa likod ng pagkamatay ni Regua, residente ng Brangay Pantay Fatima, Vigan.
Napag-alamang nag-uusap lamang ang suspek at biktima sa ikalawang palapag ng Vigan City Public Market bago nangyari ang krimen.
Ayon sa mga testigo hindi naman nila napansin na nagtatalo ang dalawa ng mga sandaling iyon.
Ngunit maya-maya lamang ay nakita na lamang si Pido na binubuhat ang septuagenarian at itunulak hanggang nahulog sa unang palapag ang senior citizen.